Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 26, nasa 18,253 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 93 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 5,933 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Apat naman ang bagong gumaling kung kaya 11,194 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Wala namang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,126 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 10,436 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,355 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 954 naman ang kaso sa Americas at 3,508 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.