Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (April 26), pumalo na sa 1,006,428 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 74,623 o 7.4 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 8,929 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
95.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.4 porsyento ang asymptomatic; 0.87 porsyento ang moderate; 1.3 porsyento ang severe habang 1.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 70 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 16,853 o 1.67 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 11,333 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 914,952 o 90.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.