Tuluyan nang winasak ng PNP ang higit 7,300 ibat-ibang uri ng baril sa Camp Crame.
Isinagawa ang kauna-unahang symbolic demilitarization ng mga baril, na isinalarawan na Beyond Economical Repair (BER) o hindi na mapapakinabangan.
Sinabi ni PNP Chief Debold Sinas, 6,338 sa mga baril ay nakumpiska, nabawi, isinuko o idineposito, samantalang ang 1,033 ay sirang-sira na.
“This ceremonial disposal of defective firearms and ammunition demonstrates a clear method of proper procedure in destruction of unserviceable firearms, and discarded ordnance in order to avoid occurrence of any untoward incident that may place someone else’s life in danger or at high risk,” paliwanag ni Sinas.
Aniya pagpapakita lang ito na tinutupad ng pambansang pulisya ang responsibilidad na tiyakin na walang armas ang babagsak sa maling kamay, partikular na sa mga terorista at kriminal.
Nabatid na ang mga piniraso-pirasong baril ay itinuturing na recyclable scarp materials at maari pang magawa na gamit sa pagsasaka o maging industrial equipment.