Dating Pangulong Erap Estrada ilalabas na ng ospital

Nakatakda nang ilabas ng ospital si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

“Our family is overjoyed to announce that our father will finally be discharged from the hospital today,” saad sa Facebook ng kanyang anak na si dating Senador Jinggoy Estrada.

Nagpasalamat ang pamilya sa mga doktor na nag-aalaga sa dating Pangulo.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Jinggoy sa lahat ng nag-alay ng panalangin at sumuporta sa pinagdaanan ng kanilang pamilya.

“But most of all, we would like to thank our Lord Almighty for His love and guidance through all of this,” dagdag pa nito.

March 29, 2021 nang kumpirmahin ni Jinggoy na nagpositibo sa COVID-19 ang nakatatandang Estrada.

Read more...