Dalawa pang pulis, pumanaw bunsod ng COVID-19

Aabot sa 107 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Linggo ng gabi (April 25), 19,639 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,930 ang aktibo pang kaso.

240 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 17,654 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Dalaaa naman an napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 55 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...