Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 147,808,865 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 32,824,389 cases.
Sumunod na rito ang India na may 17,313,163 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 14,340,787 naman ang kaso sa Brazil habang 5,498,044 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 4,762,569
– Turkey – 4,629,969
– United Kingdom – 4,404,882
– Italy – 3,962,674
– Spain – 3,468,617
– Germany – 3,298,201
– Argentina – 2,860,884
– Colombia – 2,774,464
– Poland – 2,758,856
– Iran – 2,396,204
– Mexico – 2,328,391
– Ukraine – 2,030,333
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,122,917 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 125,778,456 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.