Panawagan ito ni DSWD, Energy Regulatory Commission (ERC), National Electrification Administration (NEA), Department of Energy (DOE) at Department of Finance (DOF).
Ayon kay Herrera, ituring na rin na “lifeline consumers” o mga households sa programa ang mga komokunsumo ng kuryente na 200 kwh pababa kada buwan.
Ito anya ay upang maibsan ang pinansyal na krisis ng mga consumers sa Metro Manila at iba pang lugar na nasa ilalim ng moderate enhanced community quarantine (MECQ).
Maaari aniyang ibigay ang diskwento sa kuryente sa pamamagitan ng electronic vouchers na direktang ipapadala sa account ng consumers sa NCR at MECQ areas.
Inihalimbawa ng kongresista na maaaring bigyan ng isang buwang na 100% discount ang mga consumers na may bill na 50 kwh per month; 75% naman sa mga gumagamit ng kuryente na 100 kwh kada buwan; 50% sa mga kumukunsumo ng 150 kwh per month; at 25% sa mga 200 kwh kada buwan naman na kunsumo.
Maaari din aniyang magtakda ang DOF ng iba’t ibang scale ng diskwento sa kuryente depende sa available na pondo ng pamahalaan.
Dagdag pa ni Herrera, maski ang LGU ay maaaring magbigay ng ayuda sa mga constituents sa pamamagitan ng electricity electronic vouchers mula P500 hanggang P2,000 depende pa rin sa available na pondo ng lokal na pamahalaan.