‘No fail policy’ at ‘freeze tuition hike’ iginiit ng Makabayan bloc

Hinimok ng Makabayan bloc sa Kamara ang DepEd at Commission on Higher Education (CHED) na ipatupad ang “no fail policy” sa gitna ng kasalukuyang pandemya.

Sa inihaing House Resolution No. 1721, iginiit ng mga militanteng kongresista na dapat mabigyan ng konsiderasyon ang mga estudyante na makatapos at makakumpleto ng requirements lalo na iyong mga nasa distance learning set-up kung saan pahirapan ang internet connection at ang iba ay wala rin gadgets.

Maging ang mga guro at estudyante ay apektado anila ng sakit, gutom at kahirapan.

Kasabay nito, inihirit ng grupo ang pagkakaroon ng moratorium sa  dagdag-tuition at pagbawas ng mga bayarin ng mga estudyante at magulang.

Nakasaad pa sa House Resolution No. 1722 na dapat ring magkaroon ng institutional subsidy at education emergency relief package para sa mga pribadong eskwelahan.

Iginiit ng mga mambabatas na dapat desisyunan ng DepEd at CHED ang mga bagay na ito imbes na magkanya-kanya at ipaubaya ang pagpapasya sa kada educational institutions.

Read more...