Barangay kagawad, crime gang member patay sa Camarines Sur

Napatay ng mga pulis ang isang opisyal ng barangay at isang sinasabing pinuno ng isang crime group sa magkahiwalay na operasyon sa Camarines Sur.

Sa bayan ng Buhi, napatay si Froilan Oaferina III, 45, kagawad sa Barangay Tambo, bago alas-7 kagabi.

Pinaputukan diumano nito ang mga pulis na magsisilbi ng search warrant para sa mga ilegal na baril kayat ginantihan siya ng mga putok.

Samantala, sa bayan naman ng Bato, napatay pasado alas-2 ng madaling araw kahapon si Mario Quite, 49, ng Barangay San Miguel.

Nabatid na targetlisted si Quite ng pulisya dahil sa pagiging miyembro diumano nito ng Concepcion Gang.

Bago maisilbi sa kanya ang search warrant, pinaputukan ng napatay ang mga pulis na magsisilbi sa kanya ng search warrant.

Nakuha sa bahay ni Quite ang dalawang baril.

Read more...