Ayon kay Marcoleta hindi na natuto ng leksyon at hindi nagpatupad ng reporma ang DepEd mula nang ibulgar niya sa privilege speech ang kawalan ng learning modules para sa 3rd quarter ng school year.
Sabi pa nito, walang ginawa ang DepEd Central Office at sa halip ay ginamit pang palusot ang deklarasyon ng EQC sa NCR.
Ang ginawa aniya ay inatasan ang Regional at Division Offices na i-reproduce lang ang modules noong unang buwan para magamit para sa 3rd quarter at nangako na lang na popondohan ang pagpapa-imprenta.
Nagtataka ang mambabatas kung bakit kailangan pang gamitin ng DepEd na dahilan ang ECQ kung nag-adjust ito ng opening ng 3rd quarter mula February 15 sa March 22 para daw makapagplano ng maayos.
Lalong ikinagalit ni Marcoleta ang plano ng ahensya para sa 4th quarter learning modules na kakapost lang ng Invitation to Bid gayung magsisimula ang next quarter ng May 17 at magtatapos na ng July 10.