Drug watchlisted person timbog sa buy-bust sa Subic Freeport

SBMA PUBLIC RELATIONS OFFICE PHOTO

Halos P100,000 ang halaga ng hinihinalang shabu na nakumpiska sa isang 53-anyos na lalaki sa loob ng Subic Bay Freeport kahapon.

Ikinasa ng mga ahente ng PDEA at Olongapo City Police ang buy-bust operation sa Central Business District at nagresulta ito sa pagka-aresto kay Robert Balajadia, residente ng Barangay New Kalalake sa Olongapo City.

Nabatid na kasama sa drug watchlist ng lokal na pulisya si Balajadia.

Nakuha sa kanya ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P97,500 at kinumpiska rin sa kanya ang gamit niyang Toyota Hi-Ace van (PYO 813).

Pinuri naman ni SBMA Chair and Administrator Wilma Eisma ang ikinasang operasyon dahil aniya patunay ito ng pagsusumikap na maging ‘drug free’ ang Subic Bay area.

Binanggit ni Eisma na kasama sa kanilang 10-point agenda ang pagpapalakas ng koordinasyon sa PDEA at PNP para mapaigting ang kanilang kampanya kontra droga sa loob ng Subic Freeport.

Read more...