Katuwiran ni Brosas hindi ito sapat para matigil ang mapanganib na red-tagging laban sa mga organizer ng community pantries.
Giit ng kongresista, dapat buwagin na ang NTF-ELCAC at i-realign ang P19 billion budget ng task force para sa emergency cash aid.
Giit niya, sayang ang pondong inilaan sa NTF-ELCAC na ginagamit lang naman para maghasik ng takot at pangamba sa komunidad.
Kung ilalaan anya ang P19 bilyong pondo para sa pamimigay ng ayuda, 1.9 milyong pamilya ang mabibigyan ng P10,000 ayuda.
Dagdag pa ng mambabatas, dapat sibakin na sina Badoy at Parlade at pagbawalan nang humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.