Katuwiran ni Duque sa kanyang posisyon, maraming ospital ang nanatiling nasa ‘critical risk classification’ dahil sa patuloy na pagdagsa ng COVID 19 patients.
“Kung titingnan natin ang datos, tingin ko talagang kinkailangan ipagpatuloy ang MECQ for another week or two dahil nga ‘yung ating health system capacity hindi masyadong nag-i-improve pa sa ngayon,” sabi ng kalihim sa isang panayam.
Naniniwala ito na kung paiiralin pa rin ang MECQ hanggang sa kalahati ng Mayo sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan at maaring magpatuloy ang bahagyang pagbaba ng kaso ng COVID 19.
“Ipagpatuloy muna natin ang MECQ para kitang-kita o malaki ang pagbaba ng mga bagong kaso at magkaroon ng reversal ng trend,” dagdag pa ng kalihim.
Kahapon panibagong 8,162 bagong COVID 19 cases sa bansa ang naitala at ang kabuuang bilang ay inaasahan na hihigit na sa isang milyon ngayon araw.