Pilipinas nakiramay sa Indonesia sa pagkamatay ng 53 crew ng submarine

Nagpahayag na ng mensahe ng pakikiramay ang Pilipinas sa Indonesia kaugnay sa pagkamatay ng 53 tripulante ng  lumubog na submarine sa dagat na sakop ng Bali noong nakaraang linggo.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., nakiramay ito sa pangulo ng Indonesia at sa pamilya ng mga opisyal at tripulante ng KRI Nanggala 402 submarine.

“Our deepest sympathies to the people and President of Indonesia and to the families of the brave navy men they and their country lost,” ang tweet ni Locsin.

Dumalo pa si Locsin, bilang kinatawan ni Pangulong Duterte, sa ginanap na ASEAN Special Leaders Summit sa Indonesia noong nakaraang linggo.

Kahapon natagpuan na ang submarine sa lalim na 2,790 talampakan at ito ay nahati sa tatlong bahagi, kasunod nito inihayag ng gobyerno na patay na ang lahat ng mga sakay.

Biglang nawala ang submarino noong Abril 21 sa pagsasagawa ng torpedo testing at ilang bansa ang tumulong sa pagsasagawa ng ‘search and rescue’ operations.

Read more...