82 patay sa sunog sa COVID 19 hospital sa Baghdad, Iraq

Para makaligtas, ilan sa mga naabutan ng sunog sa isang COVID 19 hospital sa Baghdad, Iraq ang tumalon na lang mula sa mga bintana, kasama ang mga doktor at pasyente.

Umabot sa 82 ang namatay matapos hindi makalabas ng nasusunog na gusali.

Ang sunog, base sa mga ulat, ay nag-ugat sa pagsabog ng isang oxygen tank sa Ibn al Kateeb Hospital at karamihan sa mga nasawi ay mga pasyente.

Agad sinuspindi ni Prime Minister Mustafa al-Kadhimi si Health Minister al-Tamimi maging ang gobernador ng Baghdad base sa paniniwala nitong nagkaroon ng kapabayaan.

Ayon naman kay Interior Ministry spokesman Khalid al-Muhanna may 110 pa ang nasugatan sa insidente.

Inaasahan na sa loob ng limang araw ay lalabas ang resulta ng imbestigasyon sa insidente.

Read more...