Anim timbog sa tupada sa Muntinlupa City

Limang katao ang inaresto nang maaktuhan ng mga pulis na nagsasagawa ng tupada o ilegal na sabong sa Muntinlupa City, Linggo ng hapon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Nelson Tombok, Mico Borje, Erwin Estaras, Joselito Pomeda at Casialo Carillo, pawang residente ng lungsod.

Base sa ulat, nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ang police intelligence operatives nang makatanggap ng sumbong ukol sa nagaganap na tupada sa Barangay Poblacion.

Kasama ang ilang kinatawan ng Games and Amusement Board (GAB), pinuntahan ng mga operatiba ang lugar sa Pulong Silangan at naaktuhan ang mga suspek.

Kabilang sa mga nakumpiska ang dalawang panabong at P1,350 na pusta.

Sasampahan ang anim ng paglabag sa PD 1602 dahil sa ilegal na sugal.

Read more...