COVID 19 pumatay na ng higit 3.1M sa buong mundo

Umabot na sa 3,102,837 katao sa buong mundo ang namatay dahil sa 2019 corobavirus simula nang magumpisa itong kumalat sa China noong Disyembre 2019.

Base sa datos, sa Estados Unidos naitala ang pinakamaraming namatay sa bilang na 571,988.

Sinundan ito ng Brazil na nakapagtala ng 38,492 COVID 19 deaths; ang Mexico may 214,853; India may 192,311 at pang-lima ang United Kingdom, kung saan 127,428 na ang namatay dahil sa naturang sakit.

Sa kabuuan, higit 147.849 milyon na ang tinamaan ng sakit sa buong mundo at higit 84.5 milyon naman ang gumaling.

Sa US din naitala ang pinakamaraming kaso sa bilang na higit 32.1 milyon, kasunod ang India na may higit 17 milyon at sa Brazil ay higit 14.3 milyon na ang nagkakasakit.

Read more...