Pacquiao at pamilya, pabalik na ng Pilipinas

 

Inquirer/AP

Pauwi na ngayong umaga si Sarangani Rep. Manny Pacquiao matapos ang matagumpay nitong pakikipagbakbakan sa American boxer na si Timothy Bradley Jr., noong Linggo.

Umalis ang buong pamilya ng pambansang kamao ng Amerika mula sa Tom Bradley International Airport sa Los Angeles sakay ng PAL flight PR 103 Martes ng gabi, oras sa US.

Nakatakda sanang lumapag ang eroplano ngayong madaling-araw.

Gayunman, bahagyang naantala ang pagdating ng eroplano at inaasahang darating ngayong alas 5:30 na ng umaga.

Inaasahang sa pagdating ng pambansang kamao, pangungunahan nito ang isang motorcade mula Dusit Hotel hanggang Novotel sa Quezon City dakong alas 8:30 ng umaga.

Sa kabila ng kanyang matagumpay na panalo sa laban kay Bradley, naninindigan si Pacquiao na magreretiro na ito sa boksing at tututukan ang pag-aasikaso sa kanyang pamilya.

Read more...