Islamic State, inako ang pagpatay sa 18 sundalo sa Basilan

 

Inako na umano ng Islamic State (IS) ang pananambang sa puwersa ng militar noong Abril 9, Araw ng Kagitingan sa Tipo-Tipo Basilan na ikinasawi ng 18 sundalo.

Batay sa inilabas na statement ng IS, ang kanilang grupo ang may basbas ng pagsalakay ng Abu Sayyaf Group sa puwersa ng militar.

Ipinagmalaki pa ng IS na dahil sa naturang pag-atake, nagawa nitong pasabugin ang pitong saakyan na lulan ang mga sundalo.

“With the grace of god we were able to detonate seven trucks carrying soldiers,” ayon sa statement ng IS.

Inamin din ng IS sa naturang statement na nalagasan sila ng tatlong miyembro sa naturang engkwentro.

Matatandaang Abril 9 nang makaengkwentro ng puwersa ng 44th Infantry Battalion ang grupo ng Abu Sayyaf sa Tipo-Tipo Basilan.

Sa naturang encounter, 18 sundalo ang nasawi at mahigit sa 50 pa ang nasugatan.

Kahapon, personal na binisita ni Pangulong Aquino ang mga nasugatang sundalo sa Don Basilio Navarro Hospital sa Zamboanga City.

Nakiramay rin si Pangulong Aquino sa pamilya ng mga nasawing sundalo nang makapanayam niya ito sa Edwin Andrews Air Base kahapon.

Read more...