Nagpalabas na ng guidelines ang Quezon City government para sa pagtatayo ng community pantry.
Base sa memorandum na inilabas ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, kinakailangan na masunod ang health protocols kontra COVID-19.
Kinakailangan na magsumite ng written notice sa barangay ang isang organizer ng community pantry.
Dapat ding ilagay kung sino ang responsable sa oeprasyon ng community pantry.
Agad namang nilinaw ni Belmonte na hindi kailangan ng barangay permit o clearance ang isang community pantry basta’t siguraduhin lamang na magbibigay ito ng libreng pagkain sa publiko.
Kinakailangan din na makipag-ugnayan ang pantry organizer sa barangay para sa pagpapatupad ng crowd control measures.
MOST READ
LATEST STORIES