Expanded testing at hindi mass testing kontra COVID-19 ang isinusulong ng Department of Health.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat din na gawin ang house-to-house testing.
Ayon kay Vergeire, tanging ang may mga sintomas o ang mga na-expose sa COVID-19 positive ang dapat na unahin sa testing.
Mahalaga aniya na agad na masuri ang mga posibleng carrier ng virus para maalis sa bahay at ma-isolate.
Base sa pinakahuling talaan ng DOH, nasa 979740 na ang kabuuang bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 sa bansa.
Sa naturang bilang, 860,412 ang gumaling habang 16, 529 ang nasawi.
MOST READ
LATEST STORIES