Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Agusan del Sur

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang Agusan del Sur, Biyernes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa layong 2 kilometers Southwest ng Talacogon.

Naramdaman ang pagyanig bandang 4:48 ng hapon.

May lalim ang lindol na 58 kilometers at tectonic ang origin.

Dahil dito, naramdaman ang mga sumusunod na instrumental intensities:
Intensity 2 – Gingoog City
Intensity 1 – Cagayan de Oro City

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...