#BisingPH, humina at isa nang Severe Tropical Storm

Humina ang Bagyong Bising at isa nang Severe Tropical Storm.

Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 825 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes dakong 4:00 ng hapon.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 135 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong Hilagang-Silangan papalayo sa bansa sa bilis na 15 kilometers per hour.

Ayon sa weather bureau, patuloy pang hihina ang bagyo at bababa sa tropical storm category sa Sabado, April 24.

Inaasahang lalabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado ng gabi o Linggo ng madaling-araw, April 25.

Read more...