Base sa mga paunang ulat, nagsimula ang sunog sa intensive care unit (ICU), kung saan may 17 pasyente, alas-3 ng madaling araw sa India.
Nabatid na apat sa mga pasyente ay nailigtas at nailipat na sa ibang pasilidad.
Iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng apoy.
Noong nakaraang Miyerkules, 22 COVID 19 patients sa hiwalay na ospital sa India ang namatay nang pumalpak ang suplay ng oxygen sa kanilang ventilators.
Nahihirapan ang India na harapin ang pagdami ng COVID 19 cases sa kanilang bansa bunga na rin ng kakulangan ng kuwarto sa mga ospital, supply ng oxygen maging ng mga gamot.