Umabot sa halos P1.2 bilyong halaga ng ibat-ibang droga ang nasamsam ng NCRPO mula sa mga ikinasang anti-drug operations simula noong Nobyembre hanggang ngayon buwan.
Kasabay nito, ayon kay NCRPO Dir. Vicente Danao ang pagkakahuli ng 7,941 drug suspects ang naaresto sa 4,618 anti-drug operations mula noong Nobyembre 11, 200 hanggang nitong Abril 15.
Aniya sa mga nakumpiskang droga, 175 kilo ang shabu, 329 kilo ang marijuana at 884 ecstasy tablets.
Ayon pa kay Danao sa kabila ng aktibong pakikibahagi ng mga pulis sa pagtugon ng gobyerno sa kasalukuyang pandemya, hindi nila pinababayaan ang kanilang anti-criminality campaign.
Isa na dito aniya ang kanilang kampaniya laban sa pagkalat pa ng mga droga sa Kalakhang Maynila.
MOST READ
LATEST STORIES