Inday Sara, top pick sa presidentiables’ survey ng Pulse Asia; Isko No. 1 ‘VP’

Kung nagkaroon ng presidential election noong Pebrero hanggang Marso, malaki ang posibilidad na ang nahalal na bagong pangulo ay si Davao City Mayor Sara Duterte.

Ito ay base sa isinagawang survey ng Pulse Asia noong Pebrero 22 hanggang Marso 3 sa 2,400 registered voters.

Nakakuha ang presidential daughter ng 27 porsiyento, kasunod ni dating Sen. Bongbong Marcos (13%), at kapwa 12 porsiyento naman ang nakuha ni Sen. Grace Poe at Manila Mayor Isko Moreno.

Si Sen. Manny Pacquiao ay pinili ng 11 porsiyento sa mga sumagot sa survey, pitong porsiyento kay Vice President Leni Robredo at tatlong porsiyento kay Sen. Bong Go.

Sa napiling vice presidentiables, nanguna si Moreno sa kanyang nakuhang 16 porsiyento, parehas na 15 porsiyento naman sina Pacquiao at Duterte.

Pumangatlo sina Senate President Vicente Sotto III at Marcos sa nakuha nilang 11 porsiyento at siyam na porsiyento naman ang pumili kay Go.

Read more...