Hospital reimbursements sa Philhealth pinamamadali ni Sen. Grace Poe

Hindi dapat pinaghihintay ng matagal ang mga ospital sa kanilang reimbursements sa Philhealth.

Ito ang sinabi ni Sen. Grace Poe dahil aniya nagsusumikap din ang mga ospital na pagsilbihan ang kanilang mga pasyente sa gitna ng nararanasang pandemya.

Pinuna ni Poe ang paulit-ulit na panawagan sa Philhealth ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) na agad silang mabayaran sa paggamot nila sa mga miyembro ng state health insurer.

Nabanggit ni PHAPI president Jose de Grano na ang kabuuang halaga ng kanilang  reimbursement applications sa PhilHealth ay P26 billion hanggang P28 billion hanggang noong nakaraang Disyembre.

“This situation weighs heavily on our medical frontliners, patients, and the most vulnerable among our people. Wag na natin silang pahirapan pa, antagal na nilang nagsasakripisyo at nagtitiis,” sabi ng senadora.

“Our hospitals are already bleeding while our medical frontliners put their lives on the line amid the systemic ills that affect our overall capacity to get back on our feet,” Poe reiterated.

Aniya hindi lang mga pribadong ospital ang nahihirapan sa pagsingil sa Philhealth kundi maging ang government hospitals, na COVID 19 frontline facility.

Read more...