Ipinagpaliban ng Professional Regulation Commission (PRC) ang licensure examinations ng ilang propesyon.
Batay sa anunsiyo, kasunod ito ng anunsiyo ng Office of the President kung saan isasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila hanggang Abril 30.
Alinsunod sa Resolution No. 1349, series of 2021, ililipat ang 2021 Nutritionists and Dietitians Licensure Examination (NDLE) sa Oktubre 17 at 18, 2021.
Dahil dito, sisimula ang aplikasyon para sa NDLE sa Hulyo 16, 2021 hanggang Setyembre 16, 2021.
Unang nakatakda ang pagsasagawa ng naturang exam sa Agosto 9 at 10.
Samantala, base sa Resolution No. 1348, series of 2021, ini-reschedule rin ang 2021 Optometrists Licensure Examination (OLE) – Practical Phase sa Oktubre 18, 19, 20, at 21, 2021.
Gagawin sana ito sa Abril 27, 28, 29, at 30, 2021.
Sakaling may katanungan, sinabi ng PRC na maaaring magpadala ng email sa Licensure Office sa licensure.division@prc.gov.ph at licensure.office@prc.gov.ph.