Sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 12:59, Huwebes ng tanghali, ito ay bunsod pa rin ng Typhoon Bising.
Mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang inaasahang iiral sa Ilocos Norte (Adams) at Isabela (Maconacon at San Pablo) sa susunod na isa hanggang dalawang oras.
Katamtaman hanggang sa mabigat na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Apayao (Calanasan), Cagayan (Claveria, Gattaran, Peñablanca, Santa Praxedes at Sanchez Mira).
Samantala, mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Fuga Island, Cagayan (Allacapan, Alcala, Amulung, Baggao, Gonzaga, Iguig, Lallo, Piat, Rizal, Santa Ana at Santo Niño); Ilocos Norte (Dumalneg, Pagudpud at Vintar) sa susunod na isa hanggang dalawang oras.
Inabisuhan naman ang mga residente sa mga nasabing lugar na mag-ingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.