Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 3.07 milyon na

Lagpas 3.07 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 3,071,798 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 583,330.

Sumunod na rito ang Brazil na may 381,687 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 213,597 naman ang death toll sa Mexico habang 184,672 ang napaulat na nasawi sa India.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 127,327
– Italy – 117,997
– Russia – 106,706
– France – 101,881
– Germany – 81,382
– Spain – 77,364
– Colombia – 69,596
– Iran – 67,913

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 144,455,684 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 122,932,684 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...