COVID-19 cases sa hanay ng PNP, lagpas 19,100

Aabot sa 162 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (April 21), 19,105 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 2,123 ang aktibo pang kaso.

156 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 16,931 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 51 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...