Guidelines para sa indemnification sa mga makararanas ng adverse effects ng COVID-19 vaccine hindi pa nailalabas ng Philhealth

Isinasapinal pa ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang guidelines para sa indemnification ng mga makakaranas ng adverse effects matapos mabakunahan kontra COVID-19.

Inamin ito ng PhilHealth matapos tanungin ni Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas ang naturang mga kinatawan ng Philhealth.

Sa joint hearing ng House Committees on Health at Trade and Industry, sinabi ng kinatawan ng PhilHealth, pinag-aaralan pa nila ang batas ukol dito.

Bukod dito, nagsasagawa pa rin sila ng konsultasyon sa mga stakeholders.

Karagdagang mandato anila ito para sa state health insurer kaya wala rin silang karanasan pagdating sa paggulong ng programang ito.

Hindi pa nila masasabi ng Philhealth kung kailan nila mailalabas talaga ang guidelines na ito, bagay na pinalagan ni Brosas.

Iginiit ni Brosas na delikado ito lalo pa at nauna ang rollout ng COVID-19 vaccination program ng pamahalaan kaysa ang paglalabas ng guidelines para sa indemnification ng mga makakaranas ng adverse effects ng bakuna.

Buwan ng Marso nang sinimulan ng pamahalaan ang rollout ng COVID-19 vaccination program kasunod nang pagdating sa bansa ng mga donasyon ng China na Coronavac.

Read more...