Limang pasyente ng COVID-19 sa PGH, namamatay kada araw

Nasa limang pasyente ng COVID-19 ang namamatay kada araw sa Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni PGH spokesman Doctor Jonas del Rosario na naitala ang naturang bilang sa nakalipas na tatlong linggo.

May pagkakataon aniya na pumalo sa pito hanggang 10 katao ang namamatay kada araw sa naturang ospital dahil sa COVID-19.

“Doon po ngayon sa amin sa PGH po, tama po nakikita ko po sa aming census everyday po nagta-tally kami kung ilan ang namamatay, mga at least 5 patients po a day for the last two weeks po. Mayroon pong times na mas mataas doon, mga 7 to 10, pero more or less po mga 5 patients ang namamatay na dumadating or naka-admit na. Kasi iyong iba po sa PGH po, sa emergency room minsan po pagdating ay talagang halos dead or arrival na or very critical. Iyong iba naman po ay nasa ICU at talagang malubha rin po talaga sila, hindi sila makaahon sa COVID, namamatay din po. So, tama po mga 5 patients a day po ngayon ang nakikita namin for the past three weeks po,” pahayag ni del Rosario.

Sa census ng PGH, sa 250 na bed capacity, 220 na pasyente na ang naka-admit.

Puno na rin aniya ang kanilang intensive care unit na mayroong 30 bed capacity.

Read more...