Tatlo timbog sa pekeng swab test result sa Las Piñas City clinic

SPD PIO photo

Inaresto ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang tatlong katao na itinuturong sangkot sa pagpapalabas ng pekeng swab test result sa Las Piñas City.

Sinabi ni SPD director, Brig. Gen. Eliseo Cruz na P1,500 ang bayad sa bawat swab test sa JanRic Medical Clinic sa Barangay Talon 1.

Kinilala niya ang mga naaresto na sina Frederick Jude, isang radio technician at residente ng lugar; Janice Dasco, cashier at residente ng Naic, Cavite; at Gabriela Dimaano, clerk at residente ng Bacoor City sa Cavite.

Sa ikinasang operasyon ng District Intelligence Division, narekober sa klinika ang anim na swab test results.

Nakumpiska naman kay Jude ang ilang drug paraphernalia.

Read more...