Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 345 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o 345 kilometers Silangan ng Aparri, Cagayan dakong 4:00 ng hapon.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot 165 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 205 kilometers per hour.
Tinatahak nito ang direksyong Hilaga sa bilis na 15 kilometers per hour.
Narito naman ang mga lugar na nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1:
– Batanes
– Eastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Camalaniugan, Buguey, Aparri, Santa Teresita, Alcala, Amulung, Iguig, Tuguegarao City) kabilang ang Babuyan Islands
– Eastern portion ng Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, Tumauini, Cabagan, Palanan, Dinapigue, San Guillermo, Benito Soliven, San Mariano, Ilagan, Gamu, Naguilian)
Ayon sa weather bureau, inaasahang unti-unti nang hihina ang bagyo.
Maaaring bumaba sa severe tropical storm category ang bagyo sa Biyernes, April 23, at tropical storm category naman sa Sabado, April 24.