Lima pang overseas Filipinos, nagpositibo sa COVID-19

May limang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 21, nasa 18,165 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 91 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 5,882 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Walang bagong gumaling kung kaya 11,162 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala ring bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,121 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 10,422 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,332 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 929 naman ang kaso sa Americas at 3,482 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...