Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (April 21), pumalo na sa 962,307 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 116,434 o 12.1 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 9,227 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
96.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.3 porsyento ang asymptomatic; 0.52 porsyento ang moderate; 0.8 porsyento ang severe habang 0.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 124 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 16,265 o 1.69 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 19,699 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 829,608 o 86.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.