500,000 doses ng Sinovac vaccines na binili ng Pilipinas, darating sa April 22 – Ph envoy

Photo grab from PCOO Facebook video

Inanunsiyo ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana na sa araw ng Huwebes, April 22, inaasahan ang pagdating ng 500,000 doses ng Sinovac vaccines na binii ng Pilipinas sa China.

Ayon kay Sta. Romana, inaasikaso na nila ang pagpapadala ng mga bakuna.

“A team from the Philippine Embassy in Beijing led by First Secretary Winston Almeda & Economic Section Attache Dada Katrina Aromin inspected the shipment of 500,000 vaccines produced by Sinovac on Monday, April 19, before they are brought to the airport for pickup by a Philippine Airlines plane,” aniya.

Dagdag pa ng opisyal, sa susunod na linggo ay karagdagang 500,000 doses pa ang darating.

Sa pagdating ng kalahating milyong bakuna, aabot na sa 3,525,600 bakuna ng Sinovac at AstraZeneca ang nakuha ng Pilipinas.

Read more...