Available doses ng COVID-19 vaccines sa bansa, naipamahagi na sa vaccination sites

Naipamahagi na sa vaccination sites ang lahat ng available doses ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas, ayon sa National Task Force Against COVID-19 at Department of Health (DOH).

Sa inilabas na datos hanggang 6:00, Martes ng gabi (April 20), naibigay na ang kabuuang 3,025,600 doses sa 3,263 vaccination sites sa bansa.

Sa nasabing bilang, 1,562,563 doses ang naibigay na.

1,353,107 indibiduwal o 76 porsyento rito ang nabigyan ng first dose ng COVID-19 vaccine.

Nasa 209,456 katao o 12 porsyento naman ang nakakumpleto na ng kanilang second dose.

Nakasaad din sa datos na nasa 43,835 ang 7-day average ng daily vaccinated individuals.

Sa ngayon, tuloy pa rin ang pagpapabakuna sa healthcare workers, senior citizens at mga indibiduwal na may comorbidities.

Read more...