Sen. Gatchalian, sinabing iwasan na magamit ang mga eskuwelahan na COVID-19 facilities

Hindi sang-ayon si Senator Sherwin Gatchalian sa paggamit sa mga eskuwelahan bilang isolation facilities ng COVID-19 patients.

Sa halip aniya ay bilisan ng gobyerno ang ang pagpapatayo ng field hospitals at quarantine centers para maibsan ang bigat sa mga ospital dala ng pandemya.

Sabi nito, sa pangmatagalan na paggamit sa mga eskuwelahan sa tuwing may kalamidad ay maaring magpatagal sa pagbabalik klase sa mga paaralan.

“Imbes na masanay tayong gumamit ng mga paaralan bilang isolation facilities o evacuation centers, ang dapat tiyakin ay ang pagkakaroon ng sapat at angkop na pasilidad para sa mga nangangailangan ng tulong medikal,” sabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Basic Education.

Binanggit pa ni Gatchalian, sa ibang bansa, field hospitals ang itinatayo para dagdagan ang kapasidad ng kanilang health care system sa pagtugon sa COVID-19 cases.

Read more...