Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Martes ng gabi (April 20), 18,955 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 2,117 ang aktibo pang kaso.
186 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 16,787 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 51 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES