Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 143,565,267 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 32,536,470 cases.
Sumunod na rito ang India na may 15,616,130 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 14,050,885 naman ang kaso sa Brazil habang 5,339,920 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 4,718,854
– United Kingdom – 4,393,307
– Turkey – 4,384,624
– Italy – 3,891,063
– Spain – 3,435,840
– Germany – 3,180,810
– Argentina – 2,743,620
– Poland – 2,704,571
– Colombia – 2,684,101
– Mexico – 2,311,172
– Iran – 2,286,927
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,057,793 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 122,198,587 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.