Travel advisory laban sa Pilipinas inilabas ng US dahil sa mataas na kaso ng COVID-19

Nagpalabas ng travel advisory ng Estados Unidos sa mga mamamayan nito na nais magtungo sa Pilipinas.

Sa inilabas na travel advisory ng US State Department nakasaad na hindi dapat magtungo sa bansa ang mga Amerikano dahil sa COVID-19.

Bukod pa anila ang pagtaas ng krimen, terorismo, civil unrest at kidnapping.

“Do not travel to the Philippines due to COVID-19. Additionally, exercise increased caution due to crime, terrorism, civil unrest, and kidnapping,” nakasaad sa travel advisory ng US State Department.

Sabi sa sa travel advisory na naglabas ang  Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng US ng Level 4 Travel Notice sa Pilipinas dahil sa napakataas na kaso ng covid-19.

Nakasaad pa sa abiso, “The Centers for Disease Control and Prevention (CDC) has issued a Level 4 Travel Health Notice for the Philippines due to COVID-19, indicating a very high level of COVID-19 in the country. There are restrictions in place affecting U.S. citizen entry into the Philippines.”

Read more...