Bahagyang bumagal ang Bagyong Bising pero napanatili nito ang kanyang lakas habang kumikilos sa direksyong Hilagang-Kanluran sa Silangan ng mainland Cagayan.
Sa 11am update ng PAGASA, huling namataan dakong 10am ang sentro ng Bagyong Bising sa layong 365 km Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Kumikilos ito patungong Hilagang-Kanluran sa bilis na 10 kilometro bawat oras.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 175 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugso na aabot sa 215 kilometro bawat oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 naman sa mga sumusunod:
- Batanes
- Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
- Silangang bahagi ng Apayao (Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol)
- Silangang bahagi ng Kalinga (Rizal, Tabuk City, Pinukpuk, Tanudan)
- Silangang bahagi ng Isabela (Ilagan, San Mariano, Maconacon, Divilacan, Palanan, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Santa Maria, Delfin Albano, Santo Tomas, Quezon, Quirino, Gamu, Naguilian, Benito Soliven, Reina Mercedes, Mallig, Burgos, Roxas, Cauayan City, Luna, San Manuel, Cabatuan, Aurora, Dinapigue, San Mateo, Alicia, Angadanan, San Guillermo, Echague, Jones, San Agustin, San Isidro)
- Hilagang-Silangang bahagi ng Quirino (Madella)
- Hilagang bahagi ng Aurora (Casiguran, Dilasag)
Inalis na ng weather bureau ang babala ng bagyo bilang dalawa.
Tinataya ng PAGASA na bukas ng umaga ay nasa layong 330 km Silangan ng Calayan, Cagayan ang bagyong Bising habang sa Biyernes ay nasa layong 570 km Silangan ng Itbayat, Batanes na ito.
Sa sabado ng umaga, ang bagyo ay inaasahang nasa layong 985 km East ng Extreme Northern Luzon o nasa labas na ang Philippine Area of Responsibility.