2 miyembro ng NPA patay sa magkahiwalay na engkwentro ng militar

PHOTO: AFP – EastMinCom PIO

Nasawi sa magkahiwalay na engkwentro sa Valencia City, Bukidnon at San Agustin, Surigao del Sur ang dalawang miyembro ng New People’s Army.

Sinabi ni AFP – Eastern Mindanao Command Chief, MGen. Greg Almerol, tumagal ng 40 minuto ang pakikipaglaban ng kanilang puwersa sa may 50 rebelde sa Barangay Lilingayon sa Valencia City.

Aniya ang mga rebelde ay nagbabalak ng mga serye ng pag-atake.

Samantala, nakasagupa naman sa San Agustin ng Army Special Forces ang mga miyembro ng Sub-Regional Sentro de Grabidad, Northeastern Mindanao Regional Committee ng NPA.

Dagdag ni Almerol nakarekober sila ng mga matataas na kalibre ng baril, pampasabog at bala sa dalawang engkuwentro.

Read more...