Red tide sa ilang lugar ibinabala ng BFAR

Ipinagbabawal na muna ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang pagkain ng shellfish na nakukuha sa ilang baybaying dagat dahil sa red tide.

Ayon sa BFAR, apektado ng red tide ang baybaying dagat ng  Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental;  Calubian, Leyte; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; at Lianga Bay at Hinatuan sa Surigao del Sur.

Mahigpit na ipinagbawal ng BFAR ang pagkain sa alamang.

Ligtas namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimango basta’t hugasan lamang ng mabuti, tanggalan ng hasang at kaliskis.

Ligtas naman na sa red tide ang baybaying dagat sa Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.

Read more...