Pagsasagawa ng regular webinar ukol sa COVID-19 vaccine iginiit

Manila PIO photo

Nanawagan si House Committee on Health Vice Chairman at Cavite Rep. Elpidio Barzaga sa Department of Health (DOH), Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga medical practitioners na regular na magsagawa ng online webinars upang maitaas ang kumpyansa ng publiko sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

Ayon kay Barzaga, para maipanalo ang laban kontra COVID-19 ay dapat na magkaisa ang pamahalaan at iba’t ibang grupo na maitaas ang confidence ng mga Filipino sa bakuna.

Ito lamang anya isa sa mga paraan para madaling makamit ng bansa ang herd immunity lalo na kung bukas ang lahat sa pagpapabakuna.

Sa mungkahi ni Barzaga, kailangan na paigtingin ang information campaign sa immunization program sa pamamagitan ng pagsasagawa ng regular na webinars na i-e-ere sa mga government television channels at radio stations.

Mahalaga anya na matugunan ang vaccine confidence gap ng mga tao at maipaunawa sa publiko ang kahalagahan at proteksyong makukuha sa bakuna.

Read more...