200,000 doses ng Moderna vaccine, darating sa bansa sa Hunyo

Darating na bansa sa buwan ng Hunyo ang may 200,000 doses ng COVID-19 vaccines na gawa ng U.S. company na Moderna.

Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, kinumpirma sa kanya ng Moderna na sa Hunyo 15 ang delivery ng mga bakuna sa Pilipinas.

Magtutuloy-tuloy na aniya ito sa mga susunod na buwan.

Aabot sa 20 milyong doses ng bakuna ang binili ng pamahalaan at ng pribadong sektor sa Moderna.

Read more...