Guidelines, kailangan bago muling maiturok ang AstraZeneca vaccines – FDA

Hanggang walang bagong guidelines mula sa Department of Health o DOH, hindi maipapagpatuloy ang pagtuturok ng AstraZeneca sa bansa.

Una nang inanunsiyo ng DOH na maari nang ituloy ang pagturok ng AstraZeneca vaccines base sa ginawang pagsusuri ng vaccine experts sa bansa.

Inirekomenda ng Food and Drug Administration o FDA ang paggamit ng mga naturang bakuna dahil mas lamang ang benepisyo idudulot nito kumpara sa mga sinasabing serious adverse reactions.

Magugunitng pansamantang itinigil sa bansa ang paggamit ng AstraZeneca vaccines sa mga may edad 60 pababa dahil sa mga ulat na nagdudulot ito ng pamumuo ng dugo.

Sinabi ni FDA Dir. Gen. Eric Domingo na maaring mailabas ng DOH ang bagong guidelines bago ang pagdating ng panibagong batch ng AstraZeneca vaccines bago magtapos ang buwan o sa susunod na buwan sa pamamagitan ng COVAX facility.

Read more...