Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 475 km Silangan ng Baler, Aurora dakong 4:00 ng hapon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 215 kilometers per hour.
Mabagal nitong tinatahak ang direksyon Hilaga Hilagang-Kanluran.
Dahil dito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 2:
– Eastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Peñablanca, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri)
– Eastern portion ng Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, Ilagan, Palanan, San Mariano, Dinapigue)
– Northern portion ng Aurora (Dilasag)
– Catanduanes
Signal no. 1:
– Batanes
– Nalalabing bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
– Nalalabing bahagi ng Isabela
– Quirino
– Apayao
– Kalinga
– Eastern portion ng Mountain Province (Barlig, Natonin, Paracelis, Sadanga, Bontoc)
– Eastern portion ng Ifugao (Banaue, Lagawe, Mayoyao, Aguinaldo, Alfonso Lista, Hingyon)
– Northeastern portion ng Nueva Vizcaya (Diadi)
– Central portion ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler)
– Eastern portion ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan) kasama ang Polillo Islands
– Camarines Norte
– Camarines Sur
Sinabi ng weather bureau na patuloy na mararanasan ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Camarines Provinces, Catanduanes, at eastern portion ng Quezon.
Patuloy na kikilos ang bagyo pa-Hilaga o Hilaga Hilagang-Kanluran hanggang sa Huwebes ng umaga o hapon, April 22.
Ayon sa PAGASA, posibleng lumabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility sa Linggo ng umaga, April 25.